November 30th, 2008
Tuloy ang paghahanap...
Salamat na lang at holiday bukas. Sana palagi na lang holiday,hehehe. May isa pa akong plate na dapat at kelangang tapusin kaya lang as usual not in the mood pa ako. Whew! Medyo tinopak na naman kasi ako this week. Umabot sa point kung saan naguguluhan na naman ako sa mga bagay bagay na gusto ko at dapat kung gawin. At tulad ng dati feeling ko na naman e I am all alone in this planet earth. EMO! Ofcourse, kapag ganitong mood e isang bagay lang ang gamot,..soundtrip! Napagtripan ko ang soundtrack ng Twilight. Speaking of Twilight... shit! mahal ko na si Edward Cullen! Sana may totoong Edward na lang talaga.
Actually, Twilight week ngayon. Pero sad to say, hindi ko pa napapanuod. huhuhuhu,. e pano naman wala akong makajamming. Kelangang ko pang pumunta sa Manila para sumama sa mga dati kong ka-officemate or sa cousin ko. Mukhang hindi naman uso sa Batangas ang Twilight, hindi naman alam nung ka-officemate ko yun. Dahil nakita na nya akong nagbabasa ng ebook nung isang araw pero tinanong lang nya kung ano yung binabasa ko. Kung yayayain ko naman nanay ko, pede rin, kaya lang nung umuwi ako sa Laguna this weekend hindi maganda ang panahon. Maghapon na ngang umuulan pano pa ko lalabas??? Damn!
Balik na nga lang sa kwento, mapapanuod ko rin ang Twilight at magiging akin din si Edward., Nyahahaha...
Isang bagay na nakagulo sa akin, about sa status ko sa work. Ewan ko na nga lang sa mga tao dun sa office! Bahala sila basta ginagawa ko ang trabaho ko. Alam ko namang I cannot please everybody. Basta wala akong ginagawang masama. Tapos!!!
Next, yung pagtext ni Pako na magpapalit sya ng network. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sinabihan nya ako or malulungkot dahilnagpalit na sya ng network at ibig sabihin ba nun e, the end na? So, alin ang alin? Haysss... Nakakamiss na yung dati. Pero sad to say and I have to accept na wala na yun. Yun na yun! Hindi si Pako ang nawawalang tadyang kung saan ako nagmula.
Ikatlo, si Emmie.Kanina natawa ako nung iniinterview si Mylene Dizon ni Ruffa Gutierrez sa The Buzz. ( ok hindi ako showbiz, nanay ko ang nanunuod,sabit lang ako! hehehe) Friends lang daw sila at friends pa rin sila ni Paolo Paraiso, but we all know na 5months preggy sya. Kung sa iba malabo pero sa totoo lang, may ganun talaga. Insert natin ang status namin ni Emmie. We're friends din. But we are.. hay mahirap talaga i-explain. Ganun talaga, mahal nyo isa't isa pero talagang hindi nyo pedeng isugal na maging commited dahil maraming bagay ang dapat isipin. I admit, up to now love ko pa si Em, at i still care for that guy. And at the same time ganun din sya. Kaso yun, hindi pa rin pede.
Inshort, wala pa rin yung tadyang kung saan ako galing. hayssssssss... in the search pa rin ako...